kung hindi ka pa sigurado

“The following moment always contains, over and above the preceding one,
the memory the latter has left it.”
–Henri Bergson, Time and Free Will
“The past never ceases to exist, it only ceases to be useful.”
– Henri Bergson, Matter and Memory

 

Naaalala mo ba ang sinabi ko sa iyo noong tinanong mo ako kung mahal ko pa siya?

(siya na nakaraan siya na lumipas na siya na baka naririto pa)

Ang sabi ko,
Para sa akin, you never really stop loving a person.

Kumbaga, hindi ka naman pwede lang mag un-love ng isang tao na para bang sinusubukan mong kalimutan ang larawan ng isang mukha na kakapamasid mo lang. Imposible ‘yun.

Sa paglipas ng oras na dumaragdag sa patuloy na pagyaman ng nakaraan, wala na tayong kapangyarihan na gawin ulit ang nagawa na (o gawin ang hindi na nagawa). Sapagkat, kapag ginawa natin ‘to (wari’y may kapangyarihan tayo), ay magiging ganap na ibang karanasan na siya, na hiwalay na sa realidad ng nauna.

Kaya sa paglipas ng panahon (o habang lumilipas ang panahon), ang ibig-sabihin ba ng pag-move on ay ang hindi-na-pagmahal ng isang tao?

In-between note:
Napakamakasarili nga naman at puro sa pag-ibig natin ibinubuhos ang ganitong kuro-kuro.
Ngunit, sa paanong paraan pa ba tayo magsisimula? Bakit pa nga ba natin inilalagay ang ating mga sarili sa virtual na pamamaraan sa karanasan ng nakaraan? Bakit pa ba natin ninanais na alalahanin ang pakikipagsapalaran nang nakaraan, kundi sa pagpapaalab pa ng gawain sa hinaharap?
Hindi ba’t pati sa progresibong pakikibaka ay binibigyang kasaysayan rin ang ating paglaban upang matamasa ang hinagpis at ligaya ng kabiguan at tagumpay; at mapangarap pa lalo ang kagalakan sa pagharap sa kalayaan?

Malamang hindi.

Ang pag-ibig ay ‘energy’ kumbaga, sa pang-agham na pananaw. Hindi naman ito nalilikha o nagigiba. Natatagpuan lang natin ito sa iba’t ibang porma at nararanasan sa iba’t ibang paraan.

Hindi siya mawawala sa kamalayan, pero hindi rin naman tayo maaaring manatili lang sa isang kalagayan sa oras at espasyo. Tayo ay gumagalaw.

(Huwag mo sanang isipin na ito’y unfair, na para bang ang aking kabuuan ng loob ay hindi maibibigay sa iyo.)

Umibig tayo, umiibig tayo, at patuloy pang iibig, upang, sa huli, ang iaalay at ipaparanas nating pag-ibig sa iba ay balabalaki ng lahat ng pag-ibig na ating naranasan.

At ito’y mag-uusbong pa ng bagong karanasan ng pag-ibig. Ad infinitum.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s