tag-araw/tag-ulan

 

Saksi ang araw sa ating mga
talastasan at subok sa paguunawaan

sa ating mga bisig na
walang humpay sa pakikibaka
sa mga bagay na hindi ko pa lubos maintindihan

sa araw-araw na inaanod tayo ng pagod
sa waring pagbubuo ng tagilo
at magkasama tayo
pati sa kaba at takot
at sa nakangiting mga awit na
puno ng pangamba

Baka maaari tayong tumakas

Hamigin mo ang pulang dagat
Hatiin mo ito sa gitna at
padaanin ang mga

/

Hunyo nang ikaw ay humayo
Hulyo noong biglang tumigil ang iyong salita
at nagsimula
ang ambon ang ulan ang bagyo ang gulo
basang-basa ako rito
iniwan mo nang walang pasabi kahit kanino’t
hindi ka maabot
hindi sumasagot
at biglang

 

katahimikan

 

Ni hindi ko alam
kung ako ay may kasalanan

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s