Arvin Jimenez: Ta(d)o Lang

Paunawa: Ang susunod na post ay nasa wikang Pilipino. Kung hindi makaintindi, kumuha ng diksyunaryo. Kung hindi pa rin tumalab, goodluck na lang sa’yo. Wala rin itong masyadong katuturan. Ito ay isang book review na hindi masyado. Pero masyado na itong late.

Ang weird talaga. Yun lang.

Akalain mo, nasapol ni Tado ang pinakamadaling paraan ng pagsusulat ng libro: hindi talaga siya ang nagsulat. Sa pangkalahatan, isang article lang yata ang sinulat niya dito, hindi pa lumampas ng ten pages.

Ayan.
Ayan.

At wala namang problema doon. Cool nga eh. Dito pa niya nasaksihan ang tunay na sadya niya sa librong ito, ang makilala pang lubuslubusan ang sarili niya at makita ang pagkakakita sa kanya ng mga tao. Self-discovery ‘ika nga. Tama rin naman ang sabi ni Tado: kung wala ka na, aanhin mo pa ang mga salita. Deds ka na nga eh.

559288_10151113363407124_297948930_nSa pamamagitan ng ibang tao, mas makikita natin na si Tado ay tao rin lang. May artista factor nga, pero wala namang yabang na kasama. Siya yung tipo ng taong approachable ba at kasing down-to-earth ng babolgam sa sidewalk. Marami ring kwento tungkol sa kalakasan ng trip ni Sir Tado. Mga kwentong para sa mga funniest moments na TV show. Ayus. Sa tingin ko ang mga hindi pa talaga nakakakilala kay Tado ng personal ang magugulat na ganito pala siya, kasi para sa iba, casual na lang ang ganoong pakikitungo ni Tado.

Gaya ng dati, marami pa ring typo, pero ayus lang ‘to ngayon. Hindi naman si Tado ang nagsulat. Distracting nga lang minsan.

Rakenrol rin yung mga pictures na ihinalo sa mga article. Siguro mas ayus kung colored.

Overall, maganda ang kinalabasan ng attempt ni Tado sa self-discovery. Napaka-real at napaka-mundane.

At saka pala, kasama rin ako sa libro. Rakenrol.

664469_3822934044471_1134158709_o

*Ang pang-gitnang litrato ay galing sa suporTADO ka namin Facebook page.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s