Wasak.

Kababayan,

Alam niyo namang punishable by law kahit saan ang pag-mule at deal ng mga ipinagbabawal na gamot, subalit pilit niyo pa ring pumapasok sa ganitong kalokohan. Bakit?

Dahil malaking kita? Bigtime agad? Bigtime nga siguro, nasa TV ka na sa buong bansa. Sayang lang. Hindi mo man lang makikita.

Para buhayin ang iyong pamilya? Mabubuhay naman siguro sila kahit magsimula ka sa simpleng trabaho. Hindi naman kailangan agaw-buhay na pakikipagsapalaran ang pasukin mo. Simple lang. Basta’t magpursigi ka, babalik rin sa’to ang hirap at pagod mo balang-araw.

Walang trabahong maliit, pero madaming trabahong minamaliit.
Walang trabahong maliit. Taong ‘di kontento, madami.

Kung trabaho at kabutihan lang naman ang hanap mo, bakit hindi ka magsimula kahit sa simpleng oportunidad kahit na maliit ang bayad. Konting tiyaga lang, ‘dre.  Kung sa smuggling ng drugs mo rin lang gustong mamuhay, para saan pa ang ninanais mong bukas para sa pamilya mo? Baka lumaki pa silang wala ka. At nasaan ka na? Nasa langit, daw.

Pagkatapos, kapag ikaw na ang susunod sa death row (at sa abroad pa, sosyal), ‘tsaka gagawin ang lahat para hindi ka mamatay. Madadamay pa ang lahat: pamilya, kababayan, gobyerno, relihyon…ewan ko, buong bayan na yata.

Magmamakaawa ang pamilya na huwag patayin ang breadwinner ng pamilya. Tutugon sa gobyerno. Kapag hindi tumulong ang gobyerno, magagalit ang sambayanan sa Presidente, sa lahat ng sector at department sa gobyerno. Idadaan pa sa Prayer Rally ang protesta. “Sa ngalan ng Diyos.” Ipinagdadasal pa ang kaligtasan ng isang maliwanag na nagkasala at gumawa ng mali sa batas, sa bayan, at sa Diyos. Hindi ko maintindihan.

At kapag binitay ka na, ituturing ka pang bayani, isang ulirang magulang, at isasabuhay pa ang pangyayari sa buhay mo sa palabas sa TV.

Ang galing nga naman, ikaw na ang gumawa ng mali, ikaw pa ang pupuriin.

Paki-usap lang po, alamin niyo ang papasukin niyo.
At paki-usap po, ‘wag ka pong tutugon pa sa kalahatan ng gobyerno dahil alam mong masama ang iyong pinapasukan.

Huwag na huwag mong idadamay ang bayan at mas lalo na ang gobyerno sa  iyong suliranin. Kaming lahat ang nagmumukha pang masama. Sa huli, itong mga pangyayari rin ang kumakain sa kredibilidad ng gobyerno natin.

Sa huli walang kaisahan. Walang pagkakaisa.

Watak-watak. Wasak na wasak.

Kababayan, kahit kaunting utak lang naman.

Parang awa mo na, pag-isipan mo ang ginagawa mo at binabalak mong gawin.

–Isang nababahalang mamamayang Pilipino

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s