Arvin ‘Tado’ Jimenez: Tunay na Lalake

Paunawa: Ang susunod na post ay nasa wikang Pilipino. Kung hindi makaintindi, kumuha ng diksyunaryo. Kung hindi pa rin tumalab, goodluck na lang sa’yo. Wala rin itong masyadong katuturan.

Baliw. ‘Di maintindihan. Mababaw. Weird. Nakakatawa.

Sa unang tingin, bukod sa nasambit kanina, ay mapagkakamalan talagang ermitanyo si Tado Jimenez. Kung hindi naman, isang rebeldeng kabilang sa NPA. Parang ang tingin lang ng marami ay hanggang komedyante na lang si Tado. Weird talaga.

Ewan ko ba kung bakit humaling na humaling ako kay Tado. Siguro It takes one to know one, o ‘di naman kaya Great minds think alike. Ewan. Pero bilib na bilib rin ako sa paraan niya ng komedya at pagpapatawa. Napaka-epektib. Napaka-natural. Talagang nakakatawa. Ewan. Hindi ko masyadong pinag-iisipan, pero tawa lang. Pwe. Ang gulo.

Kaya naman napuno ako ng ihi-pantalong galak nang makita ko ito sa BrewRATS Republic Page:

Kaya ayun, inantabayanan ko na talaga ang paglabas ng libro. Hindi na ako nagatubiling bilhin ito nang mamataan ko pa lang. Parang kalokohan lang, pero hindi na bale.

Ang Nag Iisa Lang Ako: Ang Ikatlo sa Huling Libro ay isang makabagbag-damdaming semi-true at semi-autobiographical na libro ng nag-iisang Tado Jimenez. Hindi ko alam kung talagang nangyari yung mga pangyayari na isinasaad sa libro, pero malamang, nangyari nga. Hindi ko rin alam kung ito ay makabagbag-damdamin.

Kung mayroon ka mang matatagpuan sa librong ito, ito yun: Katatawanan, Kaweirdohan, at Katotohanan.

At saka pala napakaraming typo. (Ewan ko ba kung trip lang talaga yun, o kung tinamad yung copywriter.)

Katatawanan. Siyempre hindi ‘yan mawawala. Tado nga eh. First page pa lang, malalaman mo nang iba ang trip ng librong ito. Hindi masyadong matanto ang layunin ng ibang bahagi, pero ayus lang. Rakenrol. Kaweirdohan, ‘ika nga. Pero sa kabila ng katatawanan at kaweirdohan, mayroong Katotohanan. Sa likod ng mga banat ni Tado, parang mapapaisip ka pa kasi may punto rin kahit papaano. Parang HAHAHAHAHAHA…ay, oo nga ‘no? Kahit papaano, hindi lang puro katatawanan ang buhay ni Tado. Meron rin pala siyang sense at sensibility. Mayroon rin pala siyang panig na gusto marinig at magparinig, patunayan sa mundo na marami pa siyang gusto at kayang gawin. In fact, sa librong ito ko rin nalaman na may pamilya pala si Tado, at aktibo rin siya sa pulitika ng Marikina. Abala pala siya sa maraming bagay-bagay pa, lingid sa nakikita natin.

Sa pangkalahatan, si Tado Jimenez ay isang tunay na lalake. May Paniniwala. May Paninindigan. At maraming jokes.

Henyo. Naghahangad na unawain. Pa-deep kuno. Weird. Nakakatawa.

‘Yan si Tado: Atapang atao.

Erning: Tama!

Para sa mas in-depth na pananaliksik sa Tunay na Lalake, bisitahin ang Hay! Men! Ang blog ng mga tunay na lalake!

Advertisements

2 thoughts on “Arvin ‘Tado’ Jimenez: Tunay na Lalake

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s